Wednesday, March 1, 2006

Ash Wednesday ba?

Nagulat ako, Ash Wednesday na pala. Ang bilis ng panahon, katatapos lang ng Christmas tapos ngayon lenten season na naman. Tsk! Bilis nating tumanda nito.

Neways, di na naman ako nakatulog today. Haay.. lentek na customer yang Nicole na yan, hanggang sa pagpikit ng mga mata ko dala dala ko pa yong concern ko sa account nya. Tuloy di ako makatulog. I was trying to catch some sleep pa naman kasi pupunta sana akong derma.. yan tuloy, di ako matuloy-tuloy. Kakatamad na talaga lumabas ng bahay lalo na pag ganito ang klema, ang init sa labas.. feeling ko magiging useless ang pagpapaganda ko if ma e-expose lang din ako sa sobrang init ng araw.. Haay, bruhang buhay talaga to o. Di pa ako makatulog, sakit pa ng ulo ko, di ko pa maintindihan katawan ko, ang init init pa ng panahon, di pa ako makapag derma at worst me pasok pa ako mamaya. At nag ka carbo loading na naman ako to compensate na wala akong magawa. Sarap mag call in talaga, ewan ko lang kung di ko lang habol habol na makapagtipid ng leave credits.

Ewan, gulo ng mind ko la naman akong iniisip na seryoso puro kababawan lang. I have turned on the airconditioner na... Naman! At least man lang lalamig kunti paligid ko.. pero ang init pa din. Kaya i love the rains. Kasi pag umuulan sarap ng feeling. Abala nga lang sa pag school ni Josh at pagko-commute pag umuulan pero seyet, pag ganitong panahon, masasabi ko talaga i love the rain.. hehehe!

Waaaaaa... ngayon ko lang naiisip, pa summer na pala... so isa lang ang ibig sabihin nito... hotter days to come. Good luck nalang sa Meralco bills namin. Bahala na. Mayaman na daw kami ngayon e kasi ung meralco namin abot na ng 4K ang monthly namin. Naman! Di pa ako nag e-aircon nyan sa umaga ha.

Almost 3.... pag makatulog man ako ngayon barely 4 hours lang sleep ko. Tsk! Pilitin kong makatulog sa station mamaya. Kaya lang i doubt rin kasi ba naman para naman kaming bola nito palipat lipat ng station. Tapos napapaligiran pa kami ng mga full time inbound reps --- ang iingay! Hay, gustong gusto ko na talaga mag call in... ano ba?

Duh! watevah! bahala na! watever na papasok sa mind ko mamaya.. tapos eto pa ha... sumakit pa lalamunan ko kanina... feeling ko magkakasakit ako.. tagal ko na ring din nagkasakit. Bawal magkasakit.. me bata sa bahay!

Sigh... sigh na naman... sigh pa once more.... aarrgghh! Goodbye derma, next week ka na lang, okay, maganda pa rin naman ako kahit di kita puntahan ngayon. Gosh!

0 comments:

Blogger template 'CoolingFall' by Ourblogtemplates.com 2008