Tatamad-Tamad sa Trabaho
Pag ganito ang mode sa trabaho, syimpre ang ginagawa ay busy-busyhan lang. Kunwari busy ang mga kamay sa pagta-type. Kala mo naman work yong ginagawa, blog pala. Hay, ano ba at parang napakatamad ko ata lately. Or shall we say di lang tama yong mga priorities ko. Kasi ba naman busy busy sa ibang mga bagay tulad ng pagbabasa ng mga post sa Pinoys2NZ digest. Nahibang na ata ako masyado sa planong to. Panu kasi malapit na kaming mag lodge ng EOI namin. Hay, after 8 years.. sana tuloy tuloy na itich... at wala nang masyadong hadlang pa.
Although, honestly sobrang kinakabahan pa rin ako sa mga plans na to kasi ba naman, feeling ko I did not ask for signs from above kung ito na ba talaga ang tamang oras na maglodge ng EOI. Umiiral na naman tong pagka impulsive ko. One year narin pala ang nakalipas since nag attend kami ng seminar sa Sampang. Si Roa nakapag EOI na nung May last year pa, samantalang ako ay inabot pa ng isa pang taon. See? Bagalicious ko talaga.
Buti nalang at guminhawa kunti ang life ngayon, bumaba ang dollar exchange at bumaba ang EOI fee. Siguro eto ang tinatawag na timing? Hmmmpp.. sana. At least mas mababa ang investment namin ngayon. Okay lang sa kin ang mag-antay ng ilang months para sa ITA sakaling ma select. Tama pa habang pakiusapan ko pa ang mabait kong ama para makautang naman.. hehehe.
Excited na kami. Yipee!!!!
0 comments:
Post a Comment