Monday, May 1, 2006

Alaala ni Noy Alan

Kahapon ng kami'y pumunta sa Metro Market me nagbibinta dun ng puto maya or suman sa tagalog. Sarap sanang bumili kaya lang naubosan na ng tsokolate. Naalala ko na naman si Noy Alan. Sa twing makakakita ako ng puto maya at sikwate at lalo na ngayong ako'y buntis, iisang tao ang naalala ko, ang namayapang kabiyak ng kapatid ng papa ko, si Noy Alan. Pang third trimester ko nun ke Josh. Sa araw araw na ginawa ng Diyos nun, sa tuwing umaga ay tinatawag ako ni Noy Alan sa kanila para kumuha or kumain ng paborito kong puto maya at sikwate. Yon ay hanggang sa nanganak ako kay Joshua. Alam ni Noy Alan na sobrang naging peborit ko yon nung panahon na yon. At ngayon, na akoy buntis, naalala ko na namang kumain ng puto maya.

0 comments:

Blogger template 'CoolingFall' by Ourblogtemplates.com 2008